6 na sundalo patay sa engkwentro sa NPA sa Eastern Samar, 20 sugatan

6 na sundalo patay sa engkwentro sa NPA sa Eastern Samar, 20 sugatan



EASTERN SAMAR - Anim na sundalo ang patay habang 20 iba pa ang nasugatan sa isang engkwentro laban sa armadong mga rebeldeng komunista sa Eastern Samar nitong Lunes Nobyembre 11, ayun sa awtoridad.


Tatlong platun ng 14th Infantry Battalion ang nakatagpo ng 50 miyembro ng New People’s Army sa Sityo Bangon, Brgy. Pinanag-an, Lungsod ng Borongan bandang 5 p.m. noong Lunes, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang gunfight ay tumagal ng mga 30 minuto. Anim na improvised na paputok na aparato ay sabay-sabay na pumutok bago ang engkwentro.

Narekober ng mga puwersa ng gobyerno ang katawan ng isang militante, habang ang isang hindi natukoy na bilang ay sugatan ayun sa pulisya.






Ang NPA ay ang armadong grupo ng Partido Komunista ng Pilipinas, na ppatuloy pa ring ang mahigit limang dekadang pakikibaka. Tumiwalag si Pangulong Rodrigo Duterte sa negosasyong pangkapayapaan kasama ang rebeldeng grupo noong 2017, dahil ang magkabilang panig ay inakusahan ang bawat isa sa mga paglabag sa ceasefire. Dahil dito ay hinimok niya ang mga rebelde na sumuko, nangangako ng pabahay, cash, at tulong sa pangkabuhayan.

Hangarin ng pamahalaan na i-tag ang CPP-NPA bilang isang teroristang grupo ngunit ang hakbang ay nakabinbin pa rin sa korte.




iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post