TIGNAN: 4-anyos na batang babae muntik na mabulag dahil sa sobrang paggamit ng gadget

TIGNAN: 4-anyos na batang babae muntik na mabulag dahil sa sobrang paggamit ng gadget

Lubha nga namang mapanganib ang sobra-sobrang paggamit ng mga gadget dahil ang isang bata sa Thailand ay muntik ng mabulag dahil sa labis na paggagadget. Photo by Dachar Nuysticker Chuayduang, Facebook)

VIRAL — Isang ‘four-year old’ na batang babae ang muntikan nang mabulag dahil sa sobrang paggamit ng gadget. 


Ito ang kwento ni Dachar Nuysticker Chuayduang, isang Thai, ayon sa kanya nung dalawang taong gulang palang ang kanyang anak na babae ay binigyan niya na ito ng iPad.

Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag niya na binigyan niya ng gadget ang kanyang anak para panatilihin siyang abala habang siya ay nagtatrabaho. 

เคยได้ยินข่าวกันมาบ่อย แต่ก็มาเจอกับตัวเองจนได้ จอปีศาจ เลี้ยงลูกกะมือถือ ไอแพด ตอนสองขวบ ดูแลเค้าไม่ทันบางทีก็...

Posted by Dachar Nuysticker Chuayduang on Thursday, November 1, 2018

Ngunit ikinasama naman ito ng bata sapagkat sa edad na apat, ay kinailangan na niyang  magpa-opera sa mata dahil sa naging problema nito sa paningin.


Ayon sa doktor, ang anak na babae ni Dachar ay may tinuturing na "lazy eyes" o amblyopia — ito ay kondisyon kung saan ay naapektuhan ang isang mata dahil ang isang mata ay gumagana nang mas epektibo kumpara sa isa. Bilang resulta, hindi lang pagkawala ng paningin ang dinadanas niya, pati na rin ang pagkakaroon ng “squinty eyes.”

Pagkatapos maoperahan, ay pareho nang nagagamit  ng anak ni Dachar nang sabay ang kanyang dalawang mata. Ipinagbawal na din sa kanya ang paggamit ng smartphone, iPad, computer at pati panunuod ng telebisyon.

Ngayon masaya at malusog na ang anak ni Dachar, pagkalipas ng ilang taon. (Larawan mula sa Facebook ni Dachar.)



Nakakapekto ang mga gadget na ito sa mata ng isang tao lalo na sa mga bata dahil ang ilaw na inilalabas nito ay nagiging dahilan sa pagkasira ng mata kung saan ay pwedeng maging malala at magagamot lamang kung sumailalim sa isang operasyon.


Inaasahan ni Chuayduang na magsilbi itong aral para sa ibang mga magulang at kanilang mga anak at hindi nila maranasan ang nangyari sa kanyang anak na babae. —Tacloban News Update/Viral
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post