(Pixabay, Creative Commons.) |
HEALTH (UPDATED) — Sa isang online survey na isinagawa ng bazaar website na OnlyBuy, lumalabas na may kinalaman ang laki at taas ng pagkalalaki ng isang tao sa kanilang sinasahod. Ayun sa kanila ang mga kalalakihan na may maliit na pagkalalaki ay mas may maraming pera.
Tinanong ng nasabing e-commerce site ang siyam-na-raan (900) at siyam-na-pito (97) na kalalakihan kung ano ang kanilang trabaho, suweldo at laki ng kanilang dalang pagkalalaki. Napag-alaman na ang mga lalaking may dalang pito hanggang walong pulgada na pagkalalaki ay may katamtamang sahod na umaabot ng $50,300 o Php 2 milyon bawat taon.
Ang mga lalaki naman na may laki ng pagkalalaki na tatlong pulgada hanggang anim na pulgada ay may taunang kita na hanggang US $ 76,780 o Php 3.7 milyong piso bawat taon.
Natuklasan din sa pag-aaral na ang mga kalalakihan na may apat na pulgada ng pagkalalaki ay madalas na na-promote sa trabaho. Habang ang mga lalaking nagtatrabaho sa arts ay may katamtamang taas na walong pulgada ang kanilang pagkalalaki.
Ang mga nasa sektor naman ng paggawa o labor sector ay mayroong namang anim hanggang pitong pulgada ng pagkalalaki at ang mga medical professional ay mayroon lamang katamtamang taas na dinadala.
Habang ang mga nagtatrabaho sa bangko ay may pinakamaliit na pagkalalaki kaya sila din ang may mas maraming pera. —Tacloban News Update (Source: OnlyBuy)