Asawa nagtago sa kisame ng isang motel upang di mahuli ng mister na may kalaguyo siya

Asawa nagtago sa kisame ng isang motel upang di mahuli ng mister na may kalaguyo siya

(Screencap via Facebook, Edward Ligas)

MANDAUE -- Isang misis ang nagtago sa kisame ng isang motel sa lungsod ng Mandaue pagkatapos na mahuli ito ng kanyang mister na nagcheck-in kasama ang kanyang kalaguyo.

Dinala ang nasabing babae sa Station 2 ng Mandaue Police Office kasama na ang kanyang sinasabing kalaguyo o kabit na 43-anyos at isang seaman na galing Bukidnon.


Ayon sa ulat, ang mister ng babae ay isa ding seaman na nagmula sa Talisay City, Cebu. Nagpatulong ang naturang mister kay Edward Ligas na isang mamahayag sa radyo pagkatapos na mahuli niya ang kanyang misis na kasama ang kanyang kabit sa isang motel sa Mandaue.

(Nangailangan pa ang kapulisan ng hagdan para makababa ang Misis mula sa kisame. Edward Ligas)

Nagsama pa ang dalawa sa isang taxi bago bumaba ang mister sa Talisay, at dahil sa pagdududa na baka hindi pumunta sa pinagtratrabahuan niya ang kanyang misis. Sinundan niya ito, sakay sa isa pang taxi, at doon niya nahuli ang kanyang asawa na may pinick-up na lalaki sa Cebu City at dumiretso na sa isang motel sa Mandaue.


Dali-daling tinawagan ng Mister si Ligas para humingi ng tulong at mahuli ang dalawa sa akto. Nagdala naman ang nasabing radio announcer ng mga pulis kung saan kinatok at binuksan nila ang kwarto na pinagcheck-inan ng dalawa.

(Misis ng mister na seaman kasama ang kanyang kalaguyo na seaman din. Edward Ligas)

 Sa balita ni Ligas, ang kalaguyo lang daw na lalaki ang lumabas sa naturang kwarto at wala ang babaeng pinagdududahan na kasama niya.

Aalis na sana ang grupo nila Ligas kasama ang mister at kapulisan, ngunit bigla silang may narinig na ingay sa kisame at hinanap nila kung saan galing ito. Bigla namang may nahulog na dalawang sandal galing sa kisame at doon nila nakita ang paa ng babae.


Nangailangan pa ng hagdanan para makababa ang babae sa kanyang pinaglalagyan. 

Ayon pa sa kanyang mister na isang seaman kung saan may tatlo silang anak, matagal na siyang nagdududa na may kabit ang kanyang asawa kaya naman sinigurado niya na mapatunayan ito. 

Kakasuhan naman niya ang dalawa at tuluyan ng iiwan ang ina ng kanyang mga anak. iTacloban

iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post