Kalapati nabenta sa halagang ₱90.3 milyon

Kalapati nabenta sa halagang ₱90.3 milyon

(Pixabay, Creative Commons)

BRUSSELS, Belgium - Isang hindi kilalang mamimiling Tsino noong Linggo ang nagbayad ng “record-breaking” na 1.6 milyong euro o ₱91.3 milyon para sa isang babaeng “homing pigeon” na nagngangalang New Kim, ayon sa online auctioneer website na Pigeon Paradise (PIPA).

Tinalo ng naturang benta ang 1.25 milyong euro na binayaran para sa lalaking kalapati na may pangalang Armando noong nakaraang taon, ayon sa PIPA.

Ang kalapating si New Kim ay dalawang taon pa lamang ay nagmula sa isang kilalang Antwerp loft, at na-auction sa halagang 200 euro lamang.

"Naniniwala ako na ito ay isang rekord sa buong mundo, hindi pa kailanman nagkaroon ng isang opisyal na dokumentadong pagbebenta sa gayong presyo," sinabi ng chairman ng PIPA na si Nikolaas Gyselbrecht sa AFP.

"Hindi ko inakalang maaabot natin ang halagang iyon,”dagdag niya.

Ang mamimili, na hindi pinangalanan ay malamang na gugustuhin na palahian ang kalapati, ayon sa kanya.

Nanalo ang naturang kalapati ng patimpalak noong 2018 bilang "Ace Pigeon Grand National Middle Distance" sa  kumpetisyon na ginanap sa Châteauroux at Argenton-sur-Creuse sa Pransya.

Ang mga dekalidad na ibon sa Europa ay tanyag sa buong mundo sa pagkakapanalo kaya naman madami ang gustong bumili nito partikular na sa mga taga-Tsina kung saan ang paligsahan doon ay may kapalit na malaking premyo.

Ang naturang ibo ay binebenta dahil sa likas na kakayahang lumipad ng maraming milya at may kakayahan na makabalik pa rin sa kanilang tinitirahan.

Ang pagbrebreed ng mga kalapati ay tradisyon na sa buhay ng mga Belgian at Dutch na kumalat hanggang sa Pransya 

Ang naturang sport para sa mga kalapati ay di na gaanong kilala kya naisipan ng mga breeders na i-auction ito sapagkat malaki ang potensyal ng nasabing ‘market’ para sa mga “champion pigeons.”

Sinabi ni Gyselbrecht na sa Belgium ay mayroong 20,000 mga breeders para sa mga “racing birds” na nakatadhana na lumahok sa mga pangunahing kumpetisyon.

Si New Kim naman ay sinanay ng mag-ama na sina Gaston at Kurt Van De Wouwer sa kanilang world-class loft sa Berlaar, malapit sa Antwerp. Ibinenta nila ang kanilang buong "koleksyon" ng mga kalapati noong nakaraang Linggo. iTacloban /AFP
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post