HEALTH -- Masaya ka ba sa iyong relasyon sa iyong kasintahan o asawa? O mas higit pa ang iyong pag-aaway kaysa sa kaligayahan o pagmamahalan?
Maaaring ikaw ay nasa isang isang nakakalason na relasyon o ‘toxic relationship’. At hindi mo alam kung kailan maaaring maapektuhan ang iyong kalusugan - pisikal man o mental.
Ayon kay Linda Weinberger, isang clinical psychiatrist at behavioral scientist sa Keck School of Medicine sa University of Southern California, ang isang malusog na relasyon ay nagbibigay sa iyo ng kaligayahan at nagpapalakas sa iyo habang ang isang nakakalason na relasyon ay nagbibigay sa iyo ng pagkalungkot at depresyon.
Kung ikaw ay nasa isang toxic relationship, ikaw ay nanganganib na magkaroon ng problema sa puso na maaaring magdulot ng ‘heart attack’ at pwede mong ikamatay.
Karagdagan, ang blood sugar level sa dugo mo ay tumataas rin dahil sa mataas na presyon ng dugo. Pinapahina din nito ang immune system na dahilin ng iyong madalian na pagkapagod.
Kung hindi ka iginagalang ng iyong kapareha, kung wala siyang ginagawa maliban ang saktan ka, masakit ito para sa ating pisikal at mental na kalusugan kaya sa halip na magtimpi ay oras na upang sumuko.
Karapat-dapat sa iyo ang isang malusog na relasyon kung saan kayong dalawa ay ginagalang ang bawat isa at tinatrato ang bawat isa na buo ang pagmamahal.
Tags:
HEALTH