TIGNAN: Mga donasyon para sa nasalanta ng bagyo sa Rizal, tinapon sa ilog

TIGNAN: Mga donasyon para sa nasalanta ng bagyo sa Rizal, tinapon sa ilog

(Screengrab from Facebook)

RIZAL, PHILIPPINES - Viral ngayon ang kuha ng isang netizen na si Sidney Batino dahil sa mga donasyong damit na nakakalat lamang malapit sa isang ilog sa Rizal.

Sa naturang post, sinabi niya: “Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal, sana po maibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan itinapon lng sa kalsada at sa ilog. Nakakasama lang ng loob pag nakita mo na ganyan mangyayari sa binigay mong tulong sa kanila.”

“Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong yung hindi masasayang yung effort at pagod,” dagdag pa niya.

Ang nasabing damit ay mga donasyon sana para sa naapektuhan ng mga nagdaang bagyo lalo na ng Ulysses sapagkapat hinagupit nito ng malakas ang mga probinsya sa Luzon kasama na ang Rizal.

Tignan dito ang naturang post:

Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal ,Sana po maiibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan...

Posted by Sidney Batino on Wednesday, November 18, 2020
Matatandaan din na ang mga karatig bayan ng Rizal ay binaha kaya naman malaking tulong ang mga damit na ito para sa mga apektadong mamamayan, pati na rin sa mga lugar na labis na nasalanta kagaya ng Cagayan Valley. Sa ngayon ay kinokompirma pa rin ng lokal na pamahalaan ng Rizal ang nasabing pangyayari.


Galit na galit naman ang karamihan ng netizen sa nakita at hinihingi na agad aksyonan o imbestigahan ito. iTacloban
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post