3-taong gulang ginulat ang magulang sa inorder online na nagkakahalaga ng higit P4000

3-taong gulang ginulat ang magulang sa inorder online na nagkakahalaga ng higit P4000

 

(Screencap from Facebook.)

VIRAL-- Isang tatlong taong gulang na batang lalaki sa Catigbian, Bohol ang ginulat ang kanyang mga kamag-anak matapos silang magbayad para sa mga laruang pangarap niya na inorder niya sa online na nagkakahalaga ng higit P4,000.

Ayon sa kanyang tiyuhin na si Marloue Napiñas Mahumot, ang kanyang pamangkin na si Nathan Pana ay nag-order sa Shopee ng isang rechargeable toy na motorsiklo at toy backhoe na may pedal gamit ang cellphone ng kanyang lola.

“Dugay ra jud niya na pangandoy makakapalit at sakay-sakay, police car nga sakay-sakay, kaso di mi ka-afford… hehe! (Matagal na niyang pinangarap na sumakay ng mga laruang kotse, ngunit hindi namin kayang bumili ng isa… hehe!), "Sinabi ni Marloue sa Bol-anon sa isang report.

Natuklasan ng pamilya niya na may mga order na ginawa noong Disyembre 8 matapos silang makatanggap ng isang text mula sa Ninjavan noong Disyembre 19, isang araw bago dumating ang kanilang unang package.


Akala nila na isa lamang pagkakamali ang nasabing tect dahil hindi sila nag-order ng anuman mula sa online shopping site kamakailan.

(Umabot ng higit P4000 ang presyo ng laruan na inorder ng bata,
ayon sa kanyang Tito na si Marlou.)


Sinabi ni Marloue na nagkaroon pa ng pagtatalo ang pamilya noong sinubukan nilang malaman kung sino sa kanila ang nag-order  online.

Sa kalaunan ay natuklasan nila na si Nathan ay ginamit ang cellphone ng kanyang lola at na kumbinsi sila na siya ang "salarin" dahil naalala niya pa ang mga kulay ng mga laruan.


“Tig order na mi sa Shopee… tigtan-aw man na siya sa iya mama kung mag order siya mama. Wa lang gyud mi mag expect kamao diay pud sya. Kinsa man pud tawn ang mag expect na tinood na ni order siya at his age na three years old? (Nag-order kami sa Shopee, at panonoorin niya umurder ang kanyang ina. Ngunit hindi namin inaasahan na marunong talaga siyang umorder. Sino ang maniniwala na kaya na niya mag-order sa kanyang edad na tatlong taong gulang?)," Sabi niya

Pinaghihinalaan din nila na ang batang lalaki ay napindot ang isang ads na humantong sa pag-order niya sa nasabing laruan.

Basahin ang naturang post dito:

So mao to, niabot na jud ang wa namo paabota!🙄😭 ang nawng sa mga nabudol...hahaha..lesson learned, butangi na ug lock...


Noong Bisperas ng Pasko, dumating naman ang pangalawang order ni Nathan sa Bohol na isang backhoe toy.

Unang napost ni Marloue ang tinawag niyan Christmas surprise dahil sa hindi inaasahang pangyayari noong bisperas ng Pasko at  tinawag niya ang karanasan bilang "cutest nightmare."


"So ayun na nga, isa na namang pamilya ang nabiktima ng isang bata," pagbibiro niya.

“As Expected, masaya ang batang budol… Hinaot (sana) merry iyong Christmas, Nathan! 🙄 Isang napakalaking SALAMAT SHOPEE. 😭 “


Ang post niya mula noon ay naging viral at may higit ng 20K na mga reaksyon. iTacloban

Post a Comment

Previous Post Next Post