Babae inireklamo ang 8-taon na kasintahan sa korte, pagkatapos na hindi ito magpropose sa kanya

Babae inireklamo ang 8-taon na kasintahan sa korte, pagkatapos na hindi ito magpropose sa kanya

(Kinasuhan ng isang babae mula sa Zambia ang kanyang sariling kasintahan, pagkatapos na hindi siya nito pakasalan sa loob ng walang taon na pagsasama nila. Pixabay, Creative Commons.)

ODD -- Kinasuhan sa korte ng isang babae mula sa Zambia ang kanyang kasintahan matapos na hindi siya pakasalan nito sa loob ng walong taon nilang pagsasama bilang magkasintahan.

Inilapit ni Gertrude Ngoma, 26, sa korte ang hindi nila pagkakaunawaan ng kasintahan na si Herbert Salaliki, 28, na nangakong papakasalan siya at nagbayad pa ng 'dowry' para sa kasal nila, ayon sa Sunday Times ng Zambia noong Lunes, Disyembre 7.

May anak na ang magkasintahan, ngunit si Ngoma ay nakatira pa rin sa bahay ng kanyang magulang, habang ang kanyang kasintahan na si Salaliki ay mag-isang nakatira sa sariling bahay. Kaya naman inaakusahan siya ni Ngoma na may ibang babae.

Ayon naman kay Salaliki na ayaw niya pakasalan si Ngoma dahil wala pa siyang sapat na pera at kulang naman din daw ang binibigay na atensyon sa kanya ng nasabing nobya.

Pinayuhan naman ng korte na kasuhan na lamang ng 'breach of marriage'  ni Ngoma si Salaliki sapagkat wala namang daw kasalan na naganap kahit na nagbayad pa ng dowry si ang nasabing lalaki. iTacloban
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post