Nakakagulat diba? Ngunit ito ay naaayon sa syensa (science) at nararapat lang na malaman ng mga mag-asawa.
Ayon kay Dr. Cory Honickman, Modern Monogamy Consultant sa Los Angeles, California, hindi lamang nakakapanghina ng immune system ang minsanang pakikipag-isa ng katawan kundi nakakadulot din ito ng malatrangkaso na pakiramdam.
Dagdag pa ng doktor, na dapat palaging nakikipag-isa ng katawan ang mag-asawa para hindi magkaroon ng nasabing sakit o trangkaso.
Pahayag naman ni Yvonne Fulbright, PhD at isang sexual health expert, ang mga tao raw na may aktibong sekswal na pamumuhay ay mas mataas ang resistensya sa katawan na pangontra sa mga mikrobyo at iba pang virus o germs, kaysa sa mga walang lovelife.
Pinapayuhan ang mga mag-asawa ng mga eksperto na makipag-isa ng katawan dalawa o tatlong beses sa isang linggo para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.
Maiiwasan din nito ang pagkakaroon ng stress sa mga sitwasyon na maaring mangyari sa inyong buhay mag-asawa. iTacloban