Nanganak ang isang misis sa Biliran sa loob ng isang patrol car ng PNP. Agad naman siyang tinulungan ng pulisya para maisilang ng tagumpay ang kanyang anak. | Pixabay, Creative Commons. |
TACLOBAN CITY - Ligtas at nasa mabuting kalagayan na ang katawan ng isang saggol na lalaki pagkatapos na ipinanganak siya ng kanyang ina sa loob ng isang police mobile patrol car sa Kawayan, Biliran Municipal PNP Station noong Martes, Disyembre 29, 2020.
Base sa impormasyon galing sa Biliran PNP Provincial Office, alas 3 ng hapon ng makatanggap ng tawag ang PNP Mobile Force Platoon sa Barangay Madao na nagmula kay Barangay Chairman Rolly Culibra ng Brgy. Ungali. Humingi ng tulong ang nasabing kapitan para madala sa Rural Health Unit (RHU) ang isa sa residente ng kanilang barangay na manganganak na.
Agad naman na rumesponde ang pulisya na dalhin ang manganganak na si Maria Fe Agustin sa RHU. Sa tulong ni PLt Sammy Paning at Patrolman Presco Adorable ay naisakay naman ang babae at ang kanyang mister sa patrol car.
Agad naman na rumesponde ang pulisya na dalhin ang manganganak na si Maria Fe Agustin sa RHU. Sa tulong ni PLt Sammy Paning at Patrolman Presco Adorable ay naisakay naman ang babae at ang kanyang mister sa patrol car.
Habang nasa biyahe sila papunta sa RHU, nakita ng mister na lumalabas na ang ulo ng sanggol bago pa man sila makapunta sa kanilang paroroonan. Nagtulong si Adorable at ang mister na maisilang ang sanggol na dinadala ng asawa niya sa loob mismo ng patrol car.
Naging matagumpay naman ang pagpapanganak ng babaye at agad naman sila tumuloy sa RHU para sa kadaragdagang treatment. Ipinahayag naman ng Biliran PNP ang paghanga sa ginawa ni Adorable sa pagtulong kay Agustin sa loob ng patrol car. iTacloban