Mister na hindi raw makauwi dahil nagpositibo sa COVID-19, sumama sa kabit

Mister na hindi raw makauwi dahil nagpositibo sa COVID-19, sumama sa kabit

(Pickpic, Creative Commons for illustration purposes.)

WEIRD NEWS  — Isang mister sa Maharastra, India ang dinahilan na may COVID-19 siya kaya hindi makauwi sa kanilang bahay. Ngunit rason lang niya pala 'to para tuluyan ng iwanan ang kanyang misis at sumama sa kanyang kabit.

Ayon sa isang report ng Yahoo News, tinawagan pa umano siya ng kanyang misis upang malaman kung nasaan siya. Agad naman sinabihan ng naturang mister na meron siyang COVID-19 at tinakot pa niya ang kanyang misis na "baka" kitilin nalang niya ang kanyang sarili.

Matapos ang pangyayari ay binaba naman raw agad ng kanyang mister ang telepono at hindi na niya ito nakausap pang muli.

Sa labis na pag-alala ng naturang misis ay inereport niya agad ito sa pulisya at doon ay nalaman kung saan nanggaling ang huling tawag ng kanyang mister. Dahil dito ay nagkaroon sila ng 'lead' kung nasaan ang kanyang kinaroroonan at agad-agad namang pinuntahan ito.

Sa iba pang report ay nakita pa daw umano ng kanyang bayaw ang mga gamit nito na misteryosong naiwan sa isang lugar na walang katao-tao.

Pinuntahan naman agad ng mga pulisya ang iba't-ibang testing facilities na malapit sa kanilang lugar. Base pa sa kanilang pag-iimbestiga, ay nalaman nila kung nasaan ang kinaroroonan ng naturang mister at doon nila nalaman na binago niya na ang kanyang pagkakakilanlan, kung saan sumama na pala ito sa kanyang kabit.

Lumipas rin ang mga araw at bumalik ang nasabing mister sa kanyang totoong pamilya, at kahit may masama siyan nagawa niya ay tinanggap pa rin siya ng kanyang misis. iTacloban
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post