Netizen nagbabala sa mga unan na naglalaman ng mga ginamit na face mask

Netizen nagbabala sa mga unan na naglalaman ng mga ginamit na face mask

(Aktwal na kuha ni Jovelyn Sarmiento Gabelo mula sa Facebook.)

VIRAL — Nagbabala ang isang netizen na nagngangalang Jovelyn Sarmiento Gabelo sa mumurahing mga unan na nilalako sapagkat ang iba dito ay naglalaman ng mga 'used' facemask.

Ayon pa sa kanyang Facebook post, pinapayuhan niya ang lahat na maging aware sa pagbili nito lalo na ang iba ay may halaga lamang na fifty-pesos o limangpung libo sapagkat naglalaman ito ng mga gamit na face mask at maraming sakit daw ang pwedeng makuha dito kabilang na ang coronavirus.

Dagdag pa niya, nabiktima daw ang mga kapitbahay niya sa Barangay Uno Extension, Carmona, sa probinsya ng Cavite. 

(Aktwal na post ng nasabing netizen, via Facebook.)

Ayon naman sa mga netizen, dapat lang imbestigahan ang pangyayari sapagkat delikado ang ginagawa ng mga naglalako at baka maging dahilan pa ito sa pagkalat ng mga sakit kabilang na ang COVID-19.

Posted by Jovelyn Sarmiento Gabelo on Thursday, November 26, 2020

Matatandaan na nagbabala ang Department of Health (DOH) sa tamang pagtapon ng mga nagamit na face mask sapagkat peligroso ito lalo na ang mga rapid test kits.

“There is a sanction for all of these healthcare facilities na hindi nila tinatapon nang maayos ang kanilang waste. Let us try to understand na ito pong mga rapid test kits na ito, ito po ay healthcare waste,” babala ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Hindi po dapat ito kung saan-saan lang tinatapon,” dagdag pa niya. iTacloban
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post