VIRAL: Tinatayong dream house ng isang gasoline boy, hinahangaan ng mga netizen

VIRAL: Tinatayong dream house ng isang gasoline boy, hinahangaan ng mga netizen

(Screencap from Facebook.)
VIRAL - Hinahangaan ngayon sa social media si Igue G. Varra, dahil bagama't hindi gaano kalaki ang sinasahod niya bilang isang gasoline boy ay natupad naman niya na maitayo ang kanyang pangarap na dream house sa halagang P250,000.

Sa edad na 26, ay mayroon ng sariling bahay si Varra kung saan ay napa-wow ang mga netizen sa desinyo nito na animong hindi kapanipaniwala na higit P250,000 lamang ang halaga.


Ayon sa isang Facebook post, nagsimula ang konstruksyon ng bahay niya noong Marso 2020.

Kahit hindi pa man tuluyang natatapos ang pagapatayo ng bahay niya ay naaaninag na ang kagandahan nito. Mayroong floor area na 22 ft x 24 ft ang nasabing bahay na matatagpuan sa Pampanga kung saan ay may dalawa itong kwarto, palikuran, kusina, sala, dining area, pati na rin terrace.

Tignan ang naturang video dito:



Simple Dreamhouse ng isang gasoline boy

Simple Dreamhouse ng isang gasoline boy

Posted by Advance Ako Mag Isip on Thursday, May 7, 2020
Ayon sa isang report, ay apat katao ang nagtulong-tulong para matupad ang pangarap na bahay ni Varra na binayaran naman niya ng P500 kada buwan. Hindi lang ang bahay niya ang kanilang nagawa kundi kasama na din ang gate at grills ng bahay na nagkakahalaga ng P25,000.


Kahit gustuhin man niyang madaliin na matapos ang kanyang bahay, natigil ito noong naglockdown.

Kung matapos man at masunod ang desinyo ng dream house ni Villa, ay siguradong mas lalo pang mamangha ang mga netizen na magsumikap at paghirapan ang kanilang nais dahil kahit ay minimum wage ang sinasahod ni Varra ay nakuha niya pa ring tuparin ang kanyang pangarap. iTacloban

Post a Comment

Previous Post Next Post