NEWS — Imbes na mailagay sa hapag-kainan noong Noche Buena at Media Noche ay nabulok ang mga prutas na binebenta sa bangketa dahil na rin sa mataas na presyo nito kasagsagan ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa mga netizen, kasalanan din ito ng mga tindera dahil labis na tinaasan nila ang presyo noong kasagsagan ng Pasko at Bagong Taon para lang kumita ng lumaki kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit mabubulok ito sapagkat wala namang pumatol sa presyo nito.
Dagdag pa ng iilan, na dapat hindi na ito ibinebenta kundi ipinamimigay nalang dahil mga bulok na ito at hindi na gaanong makakain pa.
Magsilbi sanang aral ito sa mga nagbebenta, na huwag masyadong abusohin ang diwa ng Pasko at Bagong Taon sapagkat hindi naman lahat ay may pera para bilhin ito sa mataas na presyo. iTacloban