Mahalin mo ang iyong sarili, dahil nakakamatay ang pusong sawi — eksperto

Mahalin mo ang iyong sarili, dahil nakakamatay ang pusong sawi — eksperto

(Dapat mahalin mo ang sarili mo dahil ang pagkakaroon ng pusong sawi ay nagdudulot ng iba't-ibang sakit na maari ring humantong sa iyong pagkakamatay.)

HEALTH — Ngayong buwan ng mga puso, hindi maipapagkaila na maraming nagmamahalan ang gustong ipakita ang kanilang nararamdaman sa isa't-isa lalo na tuwing Valentine's Day. Kaya ito ang dahilan sa napakaraming bulaklak na binebenta sa mga sidewalk.

Naisipan naman ng PHILPOST o Philippine Postal Office, na gumawa ng isang espesyal stamp para sa mga magsing-irog kung saan pinapakita dito ang dalawang taong nagmamahalan na may suot na face mask para na rin naaayon sa kasulukuyang nangyayaring pandemya.

Madaming nagmamahalan ang malayo sa isa't-isa dahil nga sa nararanasang pandemya ngunit hindi pa rin ito dahilan para hindi ipagdiwang ang Buwan ng mga Puso at Valentine's Day.


Gayunpaman, para sa mga walang asawa at labis na naghahangad na magkaroon ng katuwang sa buhay, ipinapayong pakinggan ang payo ng mga mga ekspertong medikal.

Ayon sa isang ulat sa SAKSI, dapat sanayin ng isang tao ang mahalin ang kanyang sarili, dahil ang pagkakaroon ng pusong sawi ay nagdudulot ng iba't-ibang sakit dahil sa pagkakaroon ng unhealthy na lifestyle.

'Di ba pag broken hearted ka na-iistress ka. Kapag na-iistress tayo it leads to an unhealthy lifestyle," sabi ni Dr. Iris Garcia.

Ayon sa kanya ang pagkakaroon ng unhealthy lifestyle ay maaaring humantong sa diabetes, pagkakaroon ng mataas na kolesterol, at hypertension.

Kaya naman na mas mabuting mahalin ng isang tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkain ng mga malulusog na pagkain, pag-ehirsisyo at umiwas sa mga bisyo tulad ng pagsisigarilyo at labis na pag-iinom ng mga nakakalasing na inumin.

Payo naman ni Philippine Heart Association director, Dr. Luigi Pierre Segundo: "Dr. Luigi Pierre Segundo, Philippine Heart Association director, advised, "Kumain at magmahal hangga't makakaya ngunit tiyaking malusog ang iyong puso." iTacloban (Source: SAKSI)

Post a Comment

Previous Post Next Post