VIDEO: Aso mag-isang pumunta sa clinic upang magpagamot sa beterinaryo

VIDEO: Aso mag-isang pumunta sa clinic upang magpagamot sa beterinaryo

 
(Sa Brazil, mag-isang pumunta sa isang clinic ang isang asong kalye upang humingi ng tulong at magpagamot sa beterinaryo. Agad naman na tinulungan siya ng doktor at sinuri ang kanyang nararamdaman. Screengrab via Youtube.)

VIRAL — Isang ligaw na aso ang nakuhaan ng CCTV na mag-isang pumunta sa isang vet clinic na nagngangalang Clinica Vet VIP sa Juazeiro do Norte, Brazil upang humingi ng tulong para mapagamot ang kanyang sugatang paa.

Base sa video, ay narating ng aso ng mag-isa ang nasabing veterinary clinic kung saan ay narating niya ang pintuan at dahan-dahang pumasaok sa loob. Linapitan naman agad siya ng beterinaryo na si Dr. Dayse Ferreira da Silva at dinala agad sa likuran ng klinik upang magamot.


Na-diagnose naman ang aso na may tumor sa kanyang paa ngunit kailangan ito maoperahan upang di na maramdaman ng aso ang sakit na nagmumula dito.

[Tignan dito ang naturang video:]


Inilahad din sa pagsusuri ng nasabing klinika na ang tumor ng aso ay isang transmissible venereal tumor (TVT). Ito ay sakit na pangkaraniwan sa mga asong kalye, ngunit nagagamot naman sa pamamagitan ng chemotherapy sa loob ng di bababa ng tatlumpong araw.


Nasugatan din ang paa ng aso dahil sa pagkakatusok sa isang pako. Base sa mga updates ng Instagram page ng nasabing klinika, ay napaliguan na ang aso at tuwang-tuwa ito sa alagang binibigay sa kanya.

(Instagram @clinicavetvip)



Ayon kay Dr. Dayse ay maaring naamoy ng naturang aso ang presensya ng ibang aso sa loob ng klinik kaya hindi na ito nagdalawang isip para pumasok at humingi ng tulong sa beterirnaryo. 

“I am very happy to be able to help. It is a common practice in my clinic. If God permits, he will find a very good home for him,” sabi ni Dr. Dayse sa isang interview.


Binigyan naman ng papuri ng mga netizen ang nasabing doktor dahil sa kabutihang loob nito na pinakita sa aso kung saan sa halip na itaboy niya ito, ay tinulungan pa niya ito. Sa ngayon, ay nangangalap ng pondo ang doktor upang tuluyan ng maoperahan ang asong pinangalanang niyang Quindim. —Tacloban News Update



Post a Comment

Previous Post Next Post