VIDEO: Swab test ng isang babae, viral sa social media

VIDEO: Swab test ng isang babae, viral sa social media

(Umani ng iba't-ibang batikos ang paraan ng pagswab-test ng isang nurse sa isang babae na tila maluha-luha pa pagkatapos makuhaan ng swab sample. Screengrab from @senpai_meow. Tiktok)

VIRAL — Trending ngayon sa social media ang video ng isang babae na tila maluha-luha dahil sa pagswabtest sa kanya ng isang nurse. Umani ito ng iba't-ibang reaksyon at komentaryo sa mga tao at pinupuna ang nasabing paraan ng swab testing.

Ang naturang video ay pinost ni @senpai_meow sa kanyang Tiktok account na ngayon ay naging viral  sa social media dahil nga sa paraan ng pagkuha ng kanyang swab sample ng isang nurse na animo'y tumuhog lang ng fishball sa kanto.


Tignan dito ang nasabing video:


@senpai_meow

Praying for negative result please🙏##foryoupage ##fypシ ##foryou ##swabtest

♬ Oh No, Oh No, Oh No No No Song - Tiktok Remix - Tik tok

 Madaming netizens ang nainis sa nasabing paraan ng swab testing, ayon kay John Ruis, "Naiinis ako na hindi nagalit si ateng sinaswab.... Oo marahil libre yan pero hindi tama yan, bayad silang mga staff na gawin ng maayos trabaho nila. Department of Health (Philippines) paki review naman."



Sinabi naman ni Elen Casero, "Nakapag swab din aq hindi nman ganyan kaharabas paulit ulit pa ska dapat wag din masyado malikot relax lng at tiis konti saglit lng nman yan."


Hinaing naman ng isang nagkomentaryo na hindi dapat ganyan ang paraan ng pagkuha ng swab test dahil nagmumukhang balasubas.



"Kung sasabihin nito na malikot yung pasyente maraming paraan para d maglikot yan ng hindi nasasaktan. Ipaliwanag mo sa pasyente na pag naglikot cya repeat collection yan. Pangalawa alalayan mo sa likod ng ulo para hindi cya aatras o maglilikot. Maraming ways at techniques. Patient care first padin mga ka medical professions. Sa lab na nagtrain dito, eto po epekto ng maling training. Nakakadismaya lang," dagdag pa ni Razzhia Karla Gadon Sabado.


Sa ngayon ay wala pa ring komento ang Department of Health kaugnay sa nasabing video at paraan ng pagkuha ng swab sample. — Tacloban News Update

Post a Comment

Previous Post Next Post