NEWS — Tatlong menor de edad ang pinaghihinalaang nagpakamatay sa loob ng parehong araw, Marso 28, dahil sa problema sa pamilya sa Bato, Palo, at Baybay City sa probinsya ng Leyte, ayon sa ulat ng mga pulis noong Lunes.
Sa Baybay City, isang 16-anyos na Grade 10 na estudyante, ang natagpuan nakabitin sa loob ng kanilang bahay noong 10:20 ng umaga. Dineklara naman siyang wala ng buhay ng isang nars na rumesponde.
Napag-alaman na ang biktima ay dumaranas ng depresyon dahil sa problema sa pamilya. Ayon naman sa lokal na pulisya, ay walang nakikitang foul-play sa kanyang pagkamatay.
Sa Bato, Leyte naman, isang 14-anyos na dalagita, and natagpuan na wala ng buhay at nakabitin sa labas ng kanilang bahay noong 10:40 ng umaga. Dumaranas rin ng depresyon ang biktima at napag-alaman na may problema siya sa kanyang paaralan pati na rin sa kanyang pamilya na maaaring naging hudyat sa kanyang pagpapakamatay.
Habang sa Palo, Leyte naman, isang babaeng Grade 8 na estudyante, ang naiulat na kinitil ang sariling buhay noong ala una ng hapon. Ayon sa ulat, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima sa kanyang pamilya bago ang insidente.
Ayon naman sa pulisya, hindi magkaugnay ang tatlong insidente ng pagpapakatiwakal ng mga biktima.
Pinapaalahanan naman na hindi solusyon ang pagpapatiwakal para malunasan ang problema. Kung kailangan mo ng kausap, tumawag sa National Center for Mental Health sa mga numerong ito: 1553 (Luzon-wide landline toll-free); Globe/TM: 0917-899-8727 (USAP); at 0966-351-4518

SMART/SUN/TNT: 0908-639-2672. —Tacloban News Update (kasama ang ulat ni Marie Tonette Marticio/Tempo/EVMail)