"Nay pagod na ako mag-aral, hirap na ako sa modules." Ito ang huling mensahe ng isang binatang lalaki sa kanyang ina bago magpakamatay.
Ayon sa report ni Gab Cejas ng MagikFM Tacloban, isang 17-anyos na lalaki ang nagpatiwakal sa loob ng kanilang bahay ngayong Lunes, Abril 26, 2021, dahil hindi niya nakayanan ang pressure sa mga sinasagutang modules.
Related: DepEd Tacloban, nakikiramay sa pamilya ng estudyanteng nagpakamatay dahil sa modules
Base na rin sa statement ng kanyang ina sa nasabing pahayagan, ang menor de edad niyang anak ay ilang araw nang ginagawa ang kanyang module at sa kanilang huling pag-uusap sinabi umano ng anak niya: “Nay diri na ako ma eskwela, makapoy naman ini nga module..[Nay pagod na ako mag-aral, hirap na ako sa modules.]”
Natagpuang nakabitin ang patay na katawan ng biktima ng kanyang nakakatandang kapatid banda ala-siete ng umaga. Agad naman niyang inalarma ang mga tao sa bahay nila at pinagsisigaw ang pangalan ng kapatid niyang wala ng buhay.
Napag-alaman din na bago pa man ginawa ng biktima ang kitilin ang sarili niyang buhay, ay nagawa pa niyang mag-igib ng tubig noong bukang liwayway. Wala namang nakikitang foul play ang mga kapulisan sa Tacloban sa nasabing pangyayari.
Kung ikaw o kung sino man na kakilala mo ang kailangan ng kausap, ang Hopeline ay 24/7 na handang makipag-usap sa iyo, sa mga numerong: (02) 8804-4673 o 09175584673. Maaari mo ring tawagan ang iba pang mga hotline dito:
I. National Center for Mental Health
1553 (Luzon-wide landline toll-free)
Globe/TM: 0917-899-8727 (USAP); 0966-351-4518
SMART/SUN/TNT: 0908-639-2672
II. In Touch Philippines
Call Crisis Line, any time
+63 2 893 7603 (Landline)
+63 917 800 1123 (Globe)
+63 922 893 8944 (Sun)
III. Philippine Red Cross
24/7 suicide prevention hotline, toll-free HOPELINE 2919 (for Globe & TM Subscribers)
091 7558 4673 or 8044673
IV. Manila Lifeline Centre
Contact by: - Phone
Hotline: (02) 8969191
Hotline: Mobile phone: 0917 854 9191
—Tacloban News Update (with reports from Gab Cejas/MagikFM Tacloban)