(Imahe mula sa RPN DXKS Surigao) |
Ayon kay Commander Elaine Pangilinan ng PCG, walang sakay ang barge na sumadsad sa baybayin ng Brgy. Cantapoy. Dagdag pa niya na ang nasabing barge na Cebu Great Ocean ay may bigat na 1,200 gross tonnage (GRT) at pagmamay-ari ng isang Harold Tan ng Inter East Shipping and Lighterage Corporation.
Ang kapitan ng barge ay kinilala na si Mario Palcio at may 19 pang ibang kasamang tripolante.
Wala ng tao ang barge noong makita ito ng mga taga Malimono sa dagat ng binabayo ito ng malalaking alon tuluyang ngang napadpad ito sa kanilang baybayin dahil na rin sa Habagat at epekto ng Bagyong Bising.
May karga itong nickel ore at kakagaling lang ng Tubay, Agusan del Norte.
UPDATE: Sa ngayon ay nakontact na ng PCG ang mga nasabing tripolante ng Cebu Great Ocean. Ayon sa kanila ay nagdesisyon na mag-abandon ship ang kapitan dahil sa bagyong Bising.
Sinabi ni Commander Elaine Pangilinan na nakipag-ugnayan na sila sa mga tripolante. Tumugon naman agad ang Coast Guard ng Tubay, Surigao del Norte para puntahan ang mga life rafts na sakay ang mga nasabing tripolante. —Tacloban News Update (Source: RPN SXKS Surigao)
UPDATE: 7 crew members still missing, 6 dead after vessel ran aground in Surigao del Norte
Tags:
NEWS