(Photo courtesy of SPD PIO PHOTO) |
Ayon sa report ng kapulisan ng Taguig, nagising ang suspek na si Christine May Dabuit, residente ng Barangay Upper Bicutan, pasado alas-12 ng hapon dahil sa iyak ng kanyang anak.
Sa pagkabuwisit, ay dumampot ng yantok si Dabuit at pinagpapalo ang anak ng ilang beses hanggang mahirapan ito na huminga.
Isinugod naman niya ang anak sa Barangay Upper Bicutan Health Center ngunit sinabihan na dalhin na lamang sa pinakamalapit na ospital.
Ideneklara namang dead-on-arrival ng Taguig-Pateros District Hospital ang kawawang sanggol.
Napag-alaman sa kapatid ng suspek na si Monique Mata, ang complainant sa kaso, na inampon ang sanggol noong dalawang buwan na ang nakakalipas ngunit binalik naman ito kay Dabuit noong Abril 1 pagkatapos mawalan ng trabaho ang nag-ampon.
Base sa autopsy report, abdominal trauma ang ikinamatay ng sanggol dahil sa pamamalo ng kanyang ina sa kanya kung saan may namuong dugo sa iba't-ibang bahagi ng parte ng kanyang katawan kasama na ang mukha niya. —Tacloban News Update (Source: Radyo Inquirer)