DepEd Tacloban, nakikiramay sa pamilya ng estudyanteng nagpakamatay dahil sa modules

DepEd Tacloban, nakikiramay sa pamilya ng estudyanteng nagpakamatay dahil sa modules

TACLOBAN — Nakikiramay ang DepEd Tacloban City Division sa pagkamatay ng isang 17-anyos na estudyante noong Lunes ng umaga, Abril 26. Nagpatiwakal ang binata ayon sa kanyang ina dahil nahihirapan na umano ito sa pagsagot sa kanyang mga modules.

Pinahayag ni Dr. Nilo Rider, Information Officer ng DepEd Tacloban City Division, sa isang ulat ng Bombo Radyo Tacloban ang pakikiramay ng kanilang pamunuan sa naiwang pamilya ng binata. Magkakaroon rin umano sila ng sariling imbestigasyon sa naturang pangyayari.


Klinaro naman niya sa istasyon ang proseso sa pagsagot at pagpasa sa mga aralin sa ilalim ng modular distance learning.

Sinabi niya na iba't-iba ang kakayahan ng mga estudyante dahil kung ang iba raw ay madali matuto, ang iba naman ay kailangan ng labis na panahon para matutunan ang kanilang aralin at naiitindihan naman ito ng kanilang pamunuan.


Dagdag pa ni Rider, na kinokonsidera rin naman daw ang ibang mag-aaral na hindi sinasagot ang modules kahit pa binigyan ng saktong panahon o oras. Ngunit, tinatanggap pa rin naman daw sa mga paaralan na sakop nila ang mga late na modules.

Kaya naman hindi kailangan ng mga estudyante na bilisan o magkaroon ng pressure sa pagsagot sa kanilang mga modules.


Ayon pa sa kanya, na pwedeng lumapit ang mga magulang sa kanilang tanggapan at magreklamo kung sakali man ay nahihirapan o napapagod ang kanilang mga anak sa pag-intindi at pagsagot sa kanilang mga aralin. Handa naman daw silang tumulong nang naaayon sa kanilang reklamo o payo. —Tacloban News Update (Source: Bombo Radyo Tacloban)
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post