VIRAL — Trending ngayon sa social media ang pagpakyaw ng mga supplies sa isang community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig City ng mga kababaihan.
Imbes na kumuha lang para sa kanilang pangangailangan ay inubos ng grupo ng kababaihan ang mga supply at pagkain sa nasabing community pantry kung saan ay para ito sa mga nangangailangan.
Nagbitbit pa ng ecobag ang nasabing grupo para ubusin ang supply ng pantry.
Hindi naman natuwa ang mga netizen sa inasal ng mga babae pati na rin ang nag-organisa sa nasabing community pantry na si Carla Quiogue. Ayon sa kanyang Facebook post:
"Just when I thought na solid mga pinoy sa tulungan. May isang group ng babae na tinangay lahat pati dalawang tray ng itlog. Walang tinira. Sana talagang yun yung kailangan nila."
"Gusto ko lang i-point sa kanya na yung ginawa nila is pagiging greedy or hindi tama. Kasi marami pang nangangailangan," dagdag ni Quiogue sa GMA News.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin naman daw ang pagbigay nila ng tulong sa mga nangangailan sa kanilang barangay. — Tacloban News Update/Viral
Tags:
VIRAL