(Photo via Creative Commons) |
NEWS — Ayon sa isang eksperto na si Professor David Bainbridge, ay mas pipiliin pa ng mga lalaki ang babaeng matalino kaysa sa mga babaeng may malaking dibdib dahil magiging responsable umano silang ina kaysa sa mga babaeng biniyayaan ng dibdib.
Si Bainbridge ay isang evolutionary biologist na nakapagtapos sa University of Cambridge, ayon sa report ng Mirror UK.
Dagdag pa niya na hindi importante sa mga lalaki ang pagkakaroon ng asawa na may mga nakaka-attract na mga features kagaya ng mahahabang hita, binti o malalaking dibdib.
"Ang mga lalaki ay hindi masyadong na-attract sa malalaking dibdib dahil mas pinahahalagahan pa nila ang kabataan at kalusugan ng kanilang makakapareha," dagdag niya.
Dagdag pa niya na hindi importante sa mga lalaki ang pagkakaroon ng asawa na may mga nakaka-attract na mga features kagaya ng mahahabang hita, binti o malalaking dibdib.
Ito ay dahil ang pagkakaroon ng intelihinsya ay nag-aalok ng isang sulyap sa kung gaano magiging responsable ang isang babae bilang isang magulang.
"Ang pangunahing bagay na hinahanap ng kalalakihan ay ang babaeng matalino. Ipinakita ng mga survey nang paulit-ulit na ito ang unang bagay na hinahanap ng mga kalalakihan," sabi ni Bainbridge sa isang pahayagan.
"Ang mga lalaki ay hindi masyadong na-attract sa malalaking dibdib dahil mas pinahahalagahan pa nila ang kabataan at kalusugan ng kanilang makakapareha," dagdag niya.
Hindi rin daw gaanong pinipili ng mga lalaki ang mga babaeng may mahahabang hita o binti dahil ang importante sa kanila ay kung tuwid ito. Ayon kay Bainbridge, ang mga may baluktot o hindi pantay na hita/binti ay isa sa mga senyales na pwedeng magkaroon ng developmental illness ang isang babae.
Subalit, mas gusto umano ng lalaki ang mga babaeng may malaking balakang at puwit dahil senyales ito na kayang dalhin ng babae ang kanilang magiging anak sa loob ng kanyang bahay bata na walang problema.

Ayon pa sa kanya, ang mga kalalakihan ay naaakit lamang sa mga simetriko na bahagi ng katawan ng babae gaya ng hita o binti dahil nagpapahiwatig ito na may stable genes ang isang babae na senyales rin ng pagiging malusog.
Sa konklusyon ng findings sa survey ni Bainbridge— mas pinapahalagan ng mga lalaki ang talino kaysa sa kagandahan dahil ito ang pinakanakaka-attract na kalidad sa pagkakaroon ng isang long-term partner. —Tacloban News Update (Source: Mirror UK/Hindu Times)