(Screencap from Iqiyi/Pear video) |
NEWS — Siyam na miyembro ng pamilya sa China ang nasawi dahil sa pagkain ng isang homemade noodles na isang taon ng nasa loob ng freezer.
Lingid sa kanilang kaalaman ay meron ng nabuong toxin o lason sa nasabing noodles at ito ay ang "bongkrekic acid" — isang nakakamatay na toxin na mula sa bacterium pseudomonas, ayon sa China Global Times.

Pagkatapos ng pangyayari, ay pinayuhan ng National Health Commission na iwasan ang pagkain ng mga fermented rice at flour lalo na ang mga matagal ng nakaimbak.
Ang nasabing pamilya na may labingdalawang (12) miyembro ay naninirahan sa Heilonjiang Province, China at nagtitipun-tipun sila noong Oktobre 2020 para sa agahan. Habang ang siyam na miyembro ng pamilya ay kinain ang homemade noodles, na mas kilala sa kanila na Suantangzi, ang limang nakakabatang miyembro naman ay hindi ito kinain dahil sa pangit raw na lasa nito.

Ang suantangzi ay isang makapal na noodles na gawa sa binurong corn flour.
Ang siyam na kumain ng noodles ay sumama ang pakiramdam pagkatapos lamang ng isang oras kung saan ang walo ay agaran na namatay habang ang isang miyembro na si Li, 47, ay na-ospital pa pero binawian rin ito ng buhay.
Natagpuan ang mataas na konsentrasyon ng bongkrekic acid sa gastric fluid ng mga namatay, ayon sa provincial health commission ng Heilonjiang Province.
Sinabi naman ng direktor ng food safety sa Heilongjiang Centre for Disease Control and Prevention na si Gao Fei, na ang resulta ng pagkain ng mga pagkain na may bongkrekic acid ay lubhang mapanganib at nagdudulot ito ng pagkamatay.
"Maaari itong maging sanhi ng malubhang pinsala sa mga organs ng tao kabilang na ang atay, bato, puso, at utak," dagdag ni Gao Fei.
Ayon sa mga dalubhasa, sa kasalukuyan ay walang tiyak na gamot o antidote kung malason ng bongkrekic acid, at ang rate ng fatality nito ay nasa pagitan ng 40 porsyento at 100 porsyento.
Ang mga sintomas ng pagkalason ng bongkrekic ay nagsisimula sa loob ng ilang oras ng pagkain ng kontaminadong pagkain kung saan ang mga sintomas nito ay pagkakaroon ng sakit sa tiyan, pagpapawis, pagiging mahina kat kalaunan ay pagkawala ng malay. Ang pagkamatay ay maaaring maganap sa loob ng 24 na oras. —Tacloban News Update (Source: China Daily)