(Brgy. New Kawayan, Tacloban City. File photo) |
TACLOBAN CITY — Istriktong ipapatupad ng lokal na pamunuan ng Barangay 101 New Kawayan, Tacloban City ang pagmumulta sa mga tatanggap ng bisita at mga bibisita sa kanilang lugar sa kasagsagan ng ante-besperas, bisperas at fiesta ngayong Mayo 11.
Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ipapatupad ng barangay ang Executive Order (E.O.) kung saan ay naglalayun ng magkaroon mahigpit na pagbabantay o enhance monitoring sa nasabing barangay ngayong darating na Mayo 9 - 11.
Sinabi ng Barangay Chairwoman na si Maria Leah Alcobar sa pahayagan, na sisimulan nila ang kanilang mahigpit na pagbabantay mula Mayo 9 hanggang 11 sa kanilang dalawang control point upang walang mga taga-labas ang makapasok sa kanilang barangay lalo na't malapit na ang kanilang fiesta.
Dagdag pa ni Alcobar, na una na niyang sinabihan ang kanyang mga nasasakupan na ipinagbabawal ang pagpapasok at pag-iimbita sa kanilang mga kakilala o kaibigan sa nasabing araw: Mayo 9, 10, at 11.
Layunin ng nasabing hakbang na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Pagmumultahin naman ang mga lalabag ng P1000 para sa tatanggap ng bisita, at P500 naman para sa bibisita.
Nananawagan naman si Chairwoman Alcobar sa kanyang mga nasasakupan na sundin nila ang mga nasabing hakbang dahil para din naman ito sa kanilang kaligtasan. —Tacloban News Update (Source: Bombo Radyo)