Batang aksidenteng nasaksak ang isang puller sa extension cord, naligtas dahil sa brownout

Batang aksidenteng nasaksak ang isang puller sa extension cord, naligtas dahil sa brownout

Malaki ang papasalamat ng isang ina sa Panginoon dahil sa biglaang brownout na naging dahilan para maligtas ang kanyang anak na aksidenteng naisaksak ang isang puller.

NEWS — Viral ngayon sa Facebook ang kwento ng isang ina dahil malaki ang pasasalamat niya sa biglaang brownout na naging dahilan sa pagkaligtas ng kanyang anak na isang batang babae noong Mayo 7.


Sa Facebook post ni Sab Aro Mary, sinabi niyang muntik na umanong madisgrasya ang kanyang anak sa Davao dahil aksidenteng nasaksak ng bata ang kanyang puller sa isang outlet. 

Pinaniniwalaan naman niyang may anghel na gumabay sa bata, dahil saktong-sakto na nagbrown-out na mangyari ang nasabing kaganapan.


"Naa jud diay anghel akong batang gamay. Mao pag brownout, nasaksak nya ang puller. (Meron nga talagang anghel ang aking munting paslit. Dahil saktong pag-brown-out ay nasaksak niya ang puller,) sabi ni Mary sa kanyang post.

JUSKO naa Jud diay anghel akong batang gamay Mao pag brownout ,nasaksak nya Ang puler . Slamat kaau Lord nasave Jud akoa BBY 🙏🙏

Posted by Sab Aroa Mary on Friday, May 7, 2021


Malaki naman ang pasasalamat ng ina sa panginoon dahil hindi naaksidente ang kanyang anak."Salamat kaayo Lord. Nasave jud akoa baby, (Salamat talaga Lord at naligtas ang aking baby," dagdag niya sa kanyang post.

Related: 3-taong gulang ginulat ang magulang sa inorder online na nagkakahalaga ng higit P4000




Ayon naman sa sarili niyang komento, bibilhan niya na ng takip ang kanilang mga saksakan para maiwasan ang nasabing pangyayari. Nasunog naman daw ang puller pati ang extension cord at hindi niya napansin na sinaksak na pala ito ng kanyang anak.





Sabi naman ni Juliet Gillamac Rapal na hindi natin 100% na mababantayan ang ating mga naak dahil sa mga diskarte na ating ginagawa sa buhay [para mabuhay natin sila]. 

Dagdag naman ng nagkomento na si Carupo Robinson,  "[Ayaw] jud pataka og butang labi ng extension wire. Kay dilikado kaayu sa bata tssk may gani bout na anghelan jud. (Kaya huwag kung san-saan nilalagay ang extension wire dahil delikado ito sa mga bata. Mabuti nalang at na-anghelan ang bata."


Sa ngayon ay ligtas naman ang bata at ayon kay Sab Aroa Mary, sisiguraduhin niyang hindi na mangyayari ulit ang nasabing kaganapan. —Tacloban News Update/Viral (Source: Sab Aroa Mary)

Related: Pusang "malambing" inalagaan ang sanggol ng amo niya habang wala sila

iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post