Babaeng buntis, hinulog sa bangin ng asawa; Anak sa sinapupunan nadamay, hindi nakaligtas

Babaeng buntis, hinulog sa bangin ng asawa; Anak sa sinapupunan nadamay, hindi nakaligtas

(Imahe mula sa SCMP/Handout)

NEWS — “Go to hell,” ito ang huling mga salita ng asawa ni Wang Nam bago siya halikan ng kanyang asawa sa kanyang pisngi at tuluyang ihulog sa isang bangin sa Thailand  kung saan ay dinala siya nito para makita ang pagsikat ng araw noong Hunyo 9, 2019.

Dalawang taon na ang nakakalipas ng mangyari ang insidente kung saan ay hinulog si Nam ng kanyang asawa sa bangin na may lalim na 34 metros. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nagpapagaling dahil sa mga natamong sugat mula sa pagkakahulog.

Tatlong buwang buntis noong si Nam sa anak nila ng kanyang asawa na si Yu Xiaodong. Nang mahulog si Nam ay tumama siya sa mga puno bago tuluyang bumagsak sa isang malaking bato sa isang park sa Thailand. Halos kalahating oras muna siyang nakatihaya bago matagpuan ng isang turista para tumulong sa kanya at agarang maidala sa isang ospital.


Bago pa mangyari ang nasabing insidente ay hiningi ng kanyang asawang si Xiaodong na bayaran ang pagkakabaon niya sa utang dahil sa pagsusugal. Ngunit hindi naman nagpadala si Wang sa gusto ng kanyang asawa.

(Sa ngayon ay patuloy pa rin na nagpapagaling si Nam mula sa kanyang pagkakahulog. Imahe mula sa SCMP.)

Dahil sa pagkainis ay nagawa ni Xioadong na planuhin na patayin si Wang para makuha ang kanyang kayamanan na galing sa pagnenegosyo sa China at Thailand.

Milagro namang nakaligtas si Nam at nagtamo ng mahigit labinglimang bali sa mga buto kung saan ay hindi ito nagamot agad at ngayon ay naging mga deformidad na lamang. Hanggang ngayon ay meron pang tatlong metal plate si Nam sa loob ng kanyang katawan.


Inaresto naman ng mga pulis si Xiadong sa Sapphasitthiprasong Hospital noong binisita niya ang kanyang asawa. Binigyan siya ng parusang panghabangbuhay na pagkabilanggo ng isang korte sa Ubon Ratchathani at inutusang magbayad ng $230,000 bilang kompensasyon sa kanyang asawa na si Nam.

“I want the most severe punishment for him. He hurt his wife and his child… To some extent, my baby was killed by him, (Gusto ko ng pinaka matinding parusa para sa kanya dahil sinaktan niya ako pati ang aming magiging anak..na kanyang pinatay..)” sinabi ni Wang sa AsiaOne.

(Patuloy ang rehabiltasyon ni Nam para mabumbaklik ang sigla ng kanyang katawan. Imahe mula sa SCMP/Wang Nam)


Habang nagpapagaling si Wang ay ibinabahagi niya ang kanyang karanasan sa pamamagitan ng mga video na ipinopost niya sa social media at binalaan rin niya ang ibang mga kababaihan laban sa mga masasamang tao kagaya ng asawa.

“After my story was reported, many people found it unbelievable. They were shocked that a human being can be so evil, (Pagkatapos nilang malamang ang aking kwento, madaming tao ang hindi nakapaniwala. Nagulat sila dahil may mga tao na sadya talagang masama),” sabi niya.

Si Wang at Yu ay nagpakasal noong July 2017, pagkatapos lamang ng dalawang buwan ng pagkakilala nila sa Bangkok, Thailand. Naalala pa ni Wang na araw-araw nagpropropose si Yu na pakasalan siya noon.


Naging malabo ang relasyon nila simula ng humingi si Yu sa kanya ng 2 million yuan o $308,900 para bayaran ang kanyang utang noong 2019. Binayaran naman niya ang kalahati ng utang ni Yu at sinabihan ito na maghanap siya ng paraan para mabayaran pa ang natitirang kalahati ng utang niya.

“It’s probably then that he decided to get the money by killing me, (Marahil ito ang naging dahilang kung bakit niya akong gustong patayin, upang makuha ang pera ko.)” sinabi niya sa isang video.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang buhay ni Nam at naniniwala pa rin sa tunay na pag-ibig at sabi niya na handa siyang muling magmahal ng iba kung papayagan siya ng Diyos. At kung may maiiba man, ay kikilitasin niya munang mabuti ang lalaki bago pa man pumasok muli sa isang relasyon. —Tacloban News Update/Viral  
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post