"Tired, I want to rest." - Huling FB post ng binata sa Babatngon, Leyte bago magpatiwakal

"Tired, I want to rest." - Huling FB post ng binata sa Babatngon, Leyte bago magpatiwakal

Bago magpatiwakal ang isang binata sa Babatngon, Leyte ay nakuha pa nitong magpost sa kanyang FB profile tungkol sa isang kanta ng pagpapa-alam. Imahe para sa representasyon lamang.

TACLOBAN — "Cause I'm leaving on a jet plane, don't know when I'll be back again. See you when I see you." -Ito ang huling Facebook post ng isang binata sa Babatngon, Leyte bago magpatiwakal noong Miyerkules ng umaga, Mayo 26, 2021.

Huling social media post ng binatang nagpakatiwakal sa Babatngon, Leyte.

Dahil umano sa depresyon kaya niya nagawa ang di inaasahang bagay. Hindi naman matanggap ng kanyang kapatid na si Jonathan Casido ang nangyari, sa kanyang post sa Facebook: "Bakit masakit ang iyong ginawa, hindi ko kayang basahin ang huling post mo. Iniintindi ko [nalang] ang sakit kung iisipin. Bakit? Hindi ko gusto na ikaw ay mawala kahit nag-aaway tayo minsan. "


"Gusto ko ngayon ilabas ang aking galit na hindi ko ikaw nabantayan. Bakit mo ba iyan nagawa. Hindi ko nakakaya na makita ko, na ikaw ngayon ay wala na," dagdag niya.

Nakikiusap naman ang kanyang pinsan sa publiko na si Van Alvares, na sana ay itigil na ang mga haka-haka tungkol sa kanyang pagpapatiwakal. Sinulat niya: "Please po, tama na ang pagkokomento niyo ng kahit na anu tungkol sa dahilan kung bakit nagawa ito ng aking pinsan."


"Hindi niyo pa alam kung iyan ang dahilan ng kanyang pagka-depress na tsinitsimis siya. Hindi yan ang dahilan. Bilang respeto naman sa aming pamilya, itigil niyo na yan.. Mas nadadagdagan niyo ang bigat sa dibdib na aming nararamdaman dahil sa mga paratang niyo na hindi naman totoo," pakiusap ni Alvarez."

Dagdag pa niya, "Sana hindi nalang kayo nagsasalita ng mga bagay na nakaka-stress at nambibitang dahil hindi ito nakakatulong sa kanyang pamilya. Lalo na't di niyo alam ang totoong pangyayari."

Nalaman na umano nila ang ugat at tunay na rason kung ba't niya ito nagawa.


Sa mga dumaranas ng depresyon, maaring tumawag sa mga sumusunod na hotline numbers:

I. National Center for Mental Health

1553 (Luzon-wide landline toll-free)
Globe/TM: 0917-899-8727 (USAP); 0966-351-4518
SMART/SUN/TNT: 0908-639-2672

II. In Touch Philippines

Call Crisis Line, any time
+63 2 893 7603 (Landline)
+63 917 800 1123 (Globe)
+63 922 893 8944 (Sun)


III. Philippine Red Cross

24/7 suicide prevention hotline, toll-free HOPELINE 2919 (for Globe & TM Subscribers)
091 7558 4673 or 8044673

IV. Manila Lifeline Centre

Contact by: - Phone
Hotline: (02) 8969191
Hotline: Mobile phone: 0917 854 9191

—Tacloban News Update 
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post