Isang kompanya handang magbayad ng ₱71,000 pesos, sa mga taong matutulog ng tatlumpu't araw

Isang kompanya handang magbayad ng ₱71,000 pesos, sa mga taong matutulog ng tatlumpu't araw

Handang magbayad ang isang kompanya sa grupo ng mga "nap reviewers" ng $1,500 o ₱71,000 kung saan ang gagawin lang nila ay matulog magdamag sa loob ng tatlumpu't araw. 
NEWS — Isang kompanya ang handang magbayad ng $1,500 o mahigit Php 71,000 sa mga tao na ang gagawin lamang ay matulog magdamagan sa loob ng tatlumpu't araw o isang buwan. Ayon sa website na eachnight.com, pipili sila ng limang taong tatawagin nilang "nap reviewer" para gawin ang nasabing trabaho.

Sinabi ng naturang website na balak nilang subukan ang mga teorya sa "pros and cons" ng pagtulog para makapagbigay ng insight na makakatulong sa nakararami.


"So, we wanted to test a few theories behind the pros and cons of napping to provide our community with some valuable insight. We know that in general different length naps have different benefits, but we are keen to put this to the test, and we need your help!"

Ang grupo naman ng mga "nap reviewers" ay dapat maging handa sa trabahong gagawin nila at pagtuonan dapat ang kanilang gagawing pagtulog sa loob ng tatlumpu't araw. Ang mga aplikante umano ay dapat mag-isa lang na natutulog para masigurado na hindi sila madidisturbo. Lahat naman ng mga aplikante ay dapat marunog magsulat ng Ingles para masigurado sa gagawin nilang review tungkol sa kanilang pagtulog.


"The team of ‘Nap Reviewers’ will need to be prepared to start work straight away, as well as being committed to napping every day for 30 days. Applicants must be able to sleep alone during the testing period to ensure that the naps are undisturbed. All applicants must also have strong English writing skills in order to accurately carry out the reviews of their naps and follow any relevant instructions."

Bukas ang nasabing posisyon para sa lahat ng aplikante sa buong mundo at dapat ay nasa wastong gulang na 18-years old. Magtatapos naman ang kanilang paghahanap ng nap reviewer sa Mayo 31, 2021.


Dagdag pa ng nasabing website na sa loob ng isang buwan, ang mga mapipili nilang nappers ay dapat lumahok sa kanilang mga eksperimento na gagawin para masubukan ang mga teorya tulad ng: best nap duration for feeling refreshed, the effects of napping on overall levels of fatigue, at effects of napping on memory, motivation, and productivity. 

Ang mapipili ay kinakailangan na makilahok muna sa isang video conference bago at pagkatapos ng eksperimento para masiguro ang kanilang gagawin at kailangan kompletuhin nila ang verbal questionnaire na maglalahad sa kanilang karanasan at resulta.


The individuals will be required to take part in a video call before and after each experiment, to ensure they understand their tasks fully, and to complete a verbal questionnaire detailing their experiences and results. 

Bilang kapalit sa kanilang paglahok, ang mga nap reviewer ay tatanggap ng bayad na mahigit Php 71,000 pagkatapos ng isang buwan.


Kung sa tingin mo ay maaring ikaw na ang taong nababagay para rito, ifill-out na ang application form. —Tacloban News Update (Source: Eachnight.com)
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post