Ayon sa isang online journal, ang mga Pilipina di umano ang may mga pinakamaliliit na dibdib sa buong mundo. |
Inihambing ng pag-aaral ang mean breast volume at cup size o laki ng dibdib sa halos 400,000 kababaihan na may edad 28 hanggang 30 taong gulang mula sa 108 na mga bansa.
Napag-alaman na ang mga kababaihan mula sa Estados Unidos ay may pinakamalaking laki ng dibdib kumpara sa mga babae mula sa ibang mga bansa, habang ang mga kababaihan naman sa Pilipinas ay ang may pinakamaliit na sukat ng dibdib.
"Women born in the USA have far larger breasts than women in any other country, while women born in Africa and Asia, particularly in the East Asian countries, have the smallest breast volumes;
(Ang mga kababaihang ipinanganak sa USA ay may mas malalaking dibdib kaysa sa mga kababaihan sa anumang ibang bansa, habang ang mga kababaihang ipinanganak sa Africa at Asia, partikular sa mga bansa sa Silangang Asya, ay may pinakamaliit na sukat ng dibdib,)" ayon sa nasabing pag-aaral.
Dagdag pa nito: "A typical Caucasian woman born in the USA has a breast volume of 1,668 ml and the highest quartile of Caucasian US women has a mean breast volume as high as 2,986 ml. In the Philippines, the mean breast volume is only 111 ml and even the highest quartile of Filipino women has a mean breast volume of only 179 ml.
(Ang isang tipikal na babaeng Caucasian na ipinanganak sa USA ay may breast volume na umaabot ng 1,668 ML at ang pinakamataas na quartile ng isang American-Caucasian ay may mean breast volume a dami ng dibdib na umaabot ng 2,986 ML. Sa Pilipinas, ang mean breast volume ay umaabot lamang ng 111 ML at kahit ang pinakamataas na quartile ng mga kababaihang Pilipino ay may mean breast volume lamang na 179 ML.)"
Ang mga kababaihan mula naman sa Canada, Ireland, Poland, United Kingdom, Netherlands, Colombia, Iceland at Venezuela ay napag-alaman na isa sa mga may mga mamalaking dibdib sa buong mundo.
Bukod naman sa Pilipinas, napag-alaman rin sa nasabing pag-aaral na ang mga kababaihan mula sa Malaysia, Bangladesh, Solomon Islands, Taiwan, Vietnam, Thailand, Laos at Mozambique ay meron ding maliit na laki ng dibdib.
Ang China naman ay hindi kasama sa pag-aaral na ginawa noong 2016.
Nailathala ang nasabing ulat sa iba't-ibang pahayagan ngunit hindi na mahanap ang website na www.sciencedatabaseonline.org kung saan galing ang naturang pag-aaral. —Tacloban News Update