Pagkatapos ng trabaho, isang nars naglalakad pauwi para matulungan ang mga pulubing nadadaanan niya

Pagkatapos ng trabaho, isang nars naglalakad pauwi para matulungan ang mga pulubing nadadaanan niya

(Isang nars sa Davao City ang mas pinipili ang maglakad pauwi, para matulungan ang mga pulubing madadaanan niya sa lansangan. Imahe mula sa Facebook/Hafiz Marohombsar)

NEWS — Sa panahon ng pandemya, kinikilala ang mga medical frontliners tulad ng nars at doktor bilang mga panibagong bayani dahil sila ang pangunahing sumasabak para makipagdigma laban sa coronavirus diseas 2019 (COVID-19).

Bilang mga frontliners, ay sinasakripisyo nila ang kanilang sariling kalusugan para maalagaan ang mga may sakit at masubukan na maligtas ang mga ito. 

Ngunit ang ilan naman sa kanila ay maiituring na mas bayani pa ng dalawang beses, dahil hindi lang nila ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang medical frontliners kundi pati na rin ang pagtulong sa mga nangangailangan katulad ng isang nars sa Davao City.


Ayon sa Facebook post ni Hafiz Moroshomsar, binahagi niya ang kabutihang ginagawa ng kanyang katrabaho na ayaw magpakilala. Kwento niya:

Humanity does really exist. A simple gesture can define it. ❤️ I just got home from a long walk with my colleague after...

Posted by Hafiz Marohombsar on Wednesday, April 1, 2020

"I just got home from a long walk with my colleague after our 3pm-11pm shift. Since our free shuttle left early and it would take about an hour before the next trip, my workmate convinced me to walk instead as she did it already for several times alone. [Kakauwi ko lang sa isang mahabang lakad kasama ang kasamahan ko pagkatapos ng aming 3 pm-11pm shift. Dahil ang aming shuttle ay umalis nang maaga at aabutin ng halos isang oras bago ang susunod na biyahe, kinumbinsi ako ng aking kasamahan sa trabaho na maglakad  dahil ginagawa niya na umano ito nang maraming beses nang nag-iisa lang.]"


(Bago maglakad ay namili muna ng groseri ang nars na hindi nagpakilala para mabigyan ng tulong ang mga pulubi sa lansangan. Imahe mula kay Hafiz Marohombsar)

Namangha naman ang napakaraming netizen sa binahagi ni Moroshomar at sa kabutihang-loob na ginagawa ng kanyang katrabaho.

Ang dalawa ay mga pediatric nurses sa Davao Doctors Hospital. Ayon kay Hafiz, napansin ng kanyang kasamahan sa trabaho ang mga pulubi kung saan ay marami sa kanila ay may mga edad na at natutulog na lamang sa lansangan.


"She brought me to 7/11 first to buy some goods for the homeless people. (Dinala niya ako sa isang convenience store para bumili ng mga pagkain para sa mga pulubi.) Sabi niya sakin, ibibigay daw namin sa bawat taong madadaanan namin na natutulog sa kalsada," sabi ni Hafiz.

"If  (kung) magkulang daw, may 7/11 pa naman sa next street to buy additional food—which it really happened," dagdag pa niya.


(Labis raw ang pag-aalala ng katrabaho ni Hafiz sa mga pulubing nasa lansangan lalo na sa pandemya ngayon. Imahe mula kay Hafiz Marohombsar)

Sinabi ni Hafiz na ang kanyang katrabaho ay labis na nag-aalala sa mga pulubi simula ng magkaroon ng community quarantine sa kanilang lugar.

"Pano daw sila sa panahong ito? Pano sila nakakakain? Does someone even care about them during this crisis? (Mayroon bang nagmamalasakit sa kanila sa panahon ng krisis na ito?)" Kwento ni Hafiz sa Facebook post niya.

Sinabi ni Hafiz na inalok niya na bayaran ang kalahati ng mga groseri na binili ng kanyang katrabaho ngunit tumanggi siya.


"Okay na daw na kasama niya ako namigay. She was even thankful kasi andun ako para tulungan siya magkarga ng mga pagkain," sabi niya.

"Humanity does really exist. A simple gesture can define it, (Tunay nga namang umiiral ang kabaitan ng sangkatauhan. Sa isang simpleng kilos aymatutukoy natin ito.)" Dagdag ni Hafiz. —Tacloban News Update/Social News/Viral (Source: GMA News/Hafiz Marohombsar)

iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post