Lalaki pinatay dahil sa taglay na kapogian

Lalaki pinatay dahil sa taglay na kapogian


(Isang lalaki sa Sampaloc, Manila ang pinatay dahil sa kanyang taglay na kapogian. Hindi aktwal na imahe, para sa representasyon lamang. Creative Commons)


ODD NEWS — Dahil kailangan na umano na mabawasan ang mga pogi sa Pilipinas, isang grupo ng mga kalalakihan sa Sampaloc, Manila ang pinaslang ang isang walang kamalay-malay na poging lalaki na nagngangalang Mohammad Ali Shariff.

Ayon sa balita ng People's Tonight noong taong 2009, pinaslang umano si Shariff dahil sa taglay niyang kapogian. Na-iulat naman sa nasabing pahayagan na grupo ng mga pangit na lalaki ang pumaslang sa kanya kung saan ay sinigaw pa nilang "kailangang mabawasan ang pogi sa Pilipinas!"
 

Hindi naman binahagi ang pagkakakilanlan ng nasabing grupo ngunit napagalaman na si Shariff ay isang binata, tindero sa 1004 Pasahe St., Del Carmen, Quaiapo. 

Binaril siya sa kanyang likod ng grupo ng mga kalalakihan sa harap ng Camp Atieza Commercial Building sa Sampaloc, Manila.Gabi ng mangyari ang umanong insidente.


Dagdag pa ng nasabing pahayagan, kasama ni Shariff ang kanyang pinsan na si Jay-R Delzo at kaibigang Jovinto Gurray ng mapagtripan siyang patayin dahil sa kanyang kapogian.

Naghihintay di umano ang biktima at ang kanyang mga kasama sa iba pa nilang kaibigan nang nilapitan sila ng mga suspek sa noong hindi malamang dahilan at doon ay pinagbabaril si Shariff. Papunta sana ang biktima at ang kanyang grupo sa isang birthday party. 


Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District Homicide Division, kinompirma ni Detective Jonathan Bautista sa pahayagan na "pogi nga ang biktima." 

Sa ngayon ay wala ng ibang balita sa naturang pangyayari at mga larawan nalang ng nasabing balita galing sa tabloid ang makikita mo sa internet ngunit matatagpuan sa Google ang mga kasong nahawakan ni Detective Jonathan Bautista ng Manila Police District na nagpapatotoo na tunay siyang tao. —Tacloban News Update/Odd News (Source: People's Tonight)

iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post