Ayon sa isang eksperto sa Australia, magdudulot umano ng hiwalayan sa napakaraming relasyon ang magaganap na Superblood moon. Photo: Wiki Commons |
NEWS — Nagbabala ang isang astrologer na magdudulot umano ng break-ups o hiwalayan sa mga may karelasyon ang superblood moon na magaganap mamayang gabi, Mayo 26, 2021.
Ang superblood moon ay isang astronomical event na matatawag din isang "Lunar Trifecta" o kombinasyon ng tatlong moon phenomenon: full moon, supermoon at total lunar eclipse o "super flower blood moon."
Sinabi ni Rose Smith, isang intuitive astrologer at spiritual adviser, sa news.com.au, “Full moons ordinarily can bring out the ‘crazy’ in people, but we can expect people doing crazier things than usual...a lot of relationships are going to break-up in this period all signs, everybody will be affected - but fire signs will bear the brunt of it."
Ibig sabihin, nakakaapekto umano ang full moon sa isang tao at maaaring maging dahilan ito sa pagkatuliro kung saan basta-basta nalang magdedesisyon na wala sa kanyang nakaugalian. Dagdag pa ni Smith na maraming relasyon ang mapuputol kasabay ng naturang phenomenon.
Lahat umano ng mga tanda ng zodiac (zodiac signs) ay maapektuhan lalo na ang mga fire signs. Lubos umano na maapektuhan ang mga may tanda ng Sagittarius. Sabi niya, "There's going to be a great push for Sagittarians and other fire signs to get rid of toxic situations and relationships."
Mas magiging emosyonal umano ang nasabing zodiac, pati na rin ang mga may zodiac sign na Aries at Leo.
Ayon pa sa kanya, ang mga babae ay labis na maapektuhan at magiging emosyonal dahil sa kilos ng buwan na magiging dahilan sa napakaraming tensyon. Ngunit sinabi ng astrologer na lahat ng tao ay maapektuhan nito.
"People should be trying to release this tension around the Super Blood Moon in healthy ways, sitting with their feelings and endeavoring not to deny them. Especially women, generally speaking, traditionally we hold in emotion and make excuses for other people."
"[Dapat subukan ng mga tao na palabasin ang tensyon [na mararamdaman] habang nangyayari ang super blood moon sa isang malusog na paraan, at sikapin na hindi tanggihan [o itago] ang kanyang nararamdaman."
"Lalo na ang mga babae dahil pinipigilan natin ang ating emosyon at gumagawa ng mga dahilan para sa ikakabuti ng ibang tao.]" dagdag ni Smith sa nasabing pahayagan.
Kahit na lahat ng mga astrological sign o tanda ng zodiac ay maaring maapektuhan ng superblood moon, ayon sa eksperto, ang tatlong water signs naman ng Cancer, Scorpio at Pisces ay nasa mas mabuting lagay.
Dagdag naman ni Smith na magkakaroon pa ng isang astronomical phenomenon na makakaapekto sa mga tao at ito ay ang pag-retrograde ng Mercury simula Mayo 29 hanggang Hunyo 22, 2021. Ibig sabihan ay lilitaw na parang paatras ang kilos ng nasabing planeta sa kanyang orbit kung titignan mula sa ating mundo.
Pagkatapos naman ng Mercury event ay magkakaroon ng solar eclipse sa Hunyo 10, at ang mga planetang Jupiter, Saturn at Neptune naman ang magkakaroon ng retrograde.
Pagkatapos naman ng Mercury event ay magkakaroon ng solar eclipse sa Hunyo 10, at ang mga planetang Jupiter, Saturn at Neptune naman ang magkakaroon ng retrograde.
Ang superblood moon ay isang astronomical event na minsan lang mangyari kung saan ay mas nagiging maliwanag at malaki ang buwan kaysa sa regular na "full moon." Kasabay nito ang total lunar eclipse na magsisimula ngayong hapon (4:47 pm) ng Mayo 26, at matatapos nga gabi (9:49 pm).
Ang mangyayaring lunar eclipse kasabay ng blood moon ay ang pinakauna mula noong Enero 2019.
Ang mangyayaring lunar eclipse kasabay ng blood moon ay ang pinakauna mula noong Enero 2019.
Makikita ang naturang phenomenon sa buong Pilipinas at sa ibang mga lugar sa mundo. Ayon naman sa PAGASA, ligtas na tignan ang superblood moon ng direktahan kung saan hindi na kailangan pa magsuot ng protective filters. —Tacloban News Update (Source: News.com.au)