Sagot sa COVID-19? Bakang may dalawang ulo sa India, pinaniniwalaang makakapaghinto sa pandemya

Sagot sa COVID-19? Bakang may dalawang ulo sa India, pinaniniwalaang makakapaghinto sa pandemya

Dinadasalan at inaalayan pa ang isang bakang may dalawang ulo sa India, dahil ang nasabing hayop na umano ang sagot para magwakas ang COVID-19 pandemic. Screencap from Youtube

WEIRD — Dinadasalan ngayon at inaalayan ang isang baka na may dalawang ulo sa Bihar, East India dahil pinaniniwalaan ng mga residente na ang baka ang sagot para magwakas ang kasalukuyang pandemya dahil sa sakit na COVID-19.

Ayon sa ulat ng GMA, naniniwala diumano ang mga resident ng Katihar Village sa Bihar na ang baka ay regalo ng kanilang diyos para matapos na ang pandemya. 

Habang ang iba naman ay naniniwalang isang reinkarnasyon o reincarnation ang baka ni Lord Lakshmi o Lord Vishnu na isang pangunahin Diyos sa relihiyong Hinduismo.


Dagdag pa ng ulat na isinilang ang bakang may dalawang ulo noong Mayo 21 at simula ng araw na yun ay daan-daang mga tao na ang bumibisita sa kanilang lugar upang dasalan ang nasabing hayop.

Sa kultura ng India, ay itinuturing na sagrado ang mga baka dahil ayon sa mitolohiyang Hindu, ang mga baka ay ang kasa-kasama ng mga Diyos. 

May mga aktibong grupo naman ang naglalayun na mabigyan ng proteksyon ang nasabing baka at kilalanin ito bilang isang "celestial being."


Kung siyensya naman ang pagbabatayan, ang pagkakaroon ng dalawang ulo ng baka ay tinatawag na polycephaly kung saan ang kambal na embryo noong nasa sapupunan pa ito ay hindi maayos na nakapaghiwalay — dahilan para magkaroon ng dalawang ulo ang baka.

Panoorin dito ang nasabing video:



—Tacloban News Update (Source: GMA)
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post