Nagpatiwakal ang isang guro sa syudad ng Tacloban pagkatapos na malaman na meron siyang sakit na COVID-19. |
TACLOBAN CITY — Isang guro sa Tacloban City ang kinompirmang nagpatiwakal ngayong Huwebes ng umaga, alas 5:00, sa kanilang bahay pagkatapos na malaman na positibo siya sa sakit na COVID-19.
Ayon sa ulat ng PRTV, kinompirma ni Kapitan Rodulfo Padillo ng Barangay 109-A V&G Subdivision, na residente sa naturang barangay ang sinasabing nagpatiwakal.
Ayon sa ulat ng PRTV, kinompirma ni Kapitan Rodulfo Padillo ng Barangay 109-A V&G Subdivision, na residente sa naturang barangay ang sinasabing nagpatiwakal.
Nagawa umano niyang kitlin ang sariling buhay pagkatapos na malaman na nagpositibo siya sa sakit na COVID-19 kasama na ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin.
(Maaring basahin dito ang naturang ulat:)
USA NGA MAGTURUTDO NGA BABAYE HA TACLOBAN, NAGPAKAMATAY MAHUMAN MABARUAN NGA NAGPOSITIBO HA COVID-19Ginkumpirma ni Kapitan Rodulfo Padillo han Brgy. 109-A V&G Subdivision nga usa nga residente han iya Brgy. an gin aaligar nga nagpakamatay mahuman mabaruan nga hiya, upod an iya kabugtuan ngan mga umangkon, in nagpositibo ha COVID-19.Natad-an an patay nga lawas ha sakob la mismo han ira panimalay banda ala 5:00 han aga kanina. Gindara pa ini ha usa nga ospital dinhe ha syudad pero nadiskubrihan nga waray na ini kinabuhi.Dayon naman nga iginlubong an patay nga lawas han biktima kumo pagsunod na gihapon ha health protocol han buhatan panlawas.Nagpapadayon naman yana iton imbestigasyon han mga otoridad bahin hini nga panhitabo.
Nakita ang patay na katawan ng guro sa kanilang bahay at dinala naman agad siya sa pinakamalapit na ospital ngunit deneklara na itong "dead on arrival."
Kaagad naman na ilinibing ang biktima base na rin sa sinusunod na protokol ng naturang ospital. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.
Sa mga dumaranas ng depresyon, maaring tumawag sa mga sumusunod na hotline numbers:
I. National Center for Mental Health
1553 (Luzon-wide landline toll-free)
Globe/TM: 0917-899-8727 (USAP); 0966-351-4518
SMART/SUN/TNT: 0908-639-2672
II. In Touch Philippines
Call Crisis Line, any time
+63 2 893 7603 (Landline)
+63 917 800 1123 (Globe)
+63 922 893 8944 (Sun)
III. Philippine Red Cross
24/7 suicide prevention hotline, toll-free HOPELINE 2919 (for Globe & TM Subscribers)
091 7558 4673 or 8044673
IV. Manila Lifeline Centre
Contact by Phone:
Hotline: (02) 8969191
Hotline: Mobile phone: 0917 854 9191
—Tacloban News Update (News Source: PRTV Tacloban)