Isang 25-anyos na babae ang pinaghihinilaang nagpakatiwakal pagkatapos na malamang may kalive-in ang kanyang kasintahan. |
TACLOBAN CITY — Nagpatiwakal ang isang 25-anyos na babae sa Barangay Concepcion 1, Sogod, Southern Leyte.
Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ang nasabing babae ay residente ng Maasin City at pansamantalang nakatira sa bahay ng kanyang pinsan sa Sogod.
Sa imbestigasyon ng Sogod Municipal Police Station, sinabi ni Police Corporal Jinkie Constantino sa naturang pahayagan na ang biktima ay may karelasyon kung saan ay nalanam niyang may kalive-in pala ito.
Ito naman ang tinitignan anggulo ng mga pulisya kung bakit niyang nakuhang magpakatiwakal.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang sulat mula sa nagpakamatay kung saan ay humihingi siya ng tawad sa kanyang pinsan na kumupkop sa kanya.
Agad naman siya dinala sa isang hospital ngunit dineklara itong dead on arrival. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pangyayari.
Sa mga dumaranas ng depresyon, maaring tumawag sa mga sumusunod na hotline numbers:
I. National Center for Mental Health
1553 (Luzon-wide landline toll-free)
Globe/TM: 0917-899-8727 (USAP); 0966-351-4518
SMART/SUN/TNT: 0908-639-2672
II. In Touch Philippines
Call Crisis Line, any time
+63 2 893 7603 (Landline)
+63 917 800 1123 (Globe)
+63 922 893 8944 (Sun)
III. Philippine Red Cross
24/7 suicide prevention hotline, toll-free HOPELINE 2919 (for Globe & TM Subscribers)
091 7558 4673 or 8044673
IV. Manila Lifeline Centre
Contact by Phone:
Hotline: (02) 8969191
Hotline: Mobile phone: 0917 854 9191
—Tacloban News Update (News Source: Bombo Radyo)