VIRAL: Tiktoker kumikita ng higit sa 10M pesos dahil sa pagbebenta ng kanyang utot

VIRAL: Tiktoker kumikita ng higit sa 10M pesos dahil sa pagbebenta ng kanyang utot

Mahigit P10M ang kinikita ng isang Tiktoker dahil sa pagbebenta ng kanyang sariling utot sa loob ng garapon na tinatawag niyang 'fart jars.' Photo: Stephanie Matto/Instagram

Malaking tulong nga naman ang Tiktok lalo na sa mga kabataan na gustong sumikat o magpahayag ng kanilang mga opinyon. Ngunit para kay Stephanie Matto, 31-anyos, ang naturang platform ay isang paraan para kumita siya ng limpak-limpak na salapi dahil sa pagbebenta ng kanyang "fart jars."

Oo tama ang nabasa niyo. Binebenta ni Matto ang kanyang utot na linagay sa isang garapon online. Sa ngayon, ay naisipan naman ng dalaga na ibenta ito bilang isang non-fungible token (NFT) dahil pinayuhan siya ng doctor noong mahospital siya na hindi nakakaganda sa kanyang kalusugan ang kanyang ginagawa.


Bago pa man naging isang Tiktoker si Matto ay dati na siyang isang sikat na Youtuber at content creator kaya naisipan niya na gamitin ang kanyang kasikatan para kumita ng maraming pera. 

Sa pagbebenta ng kanyang utot, ay kumita siya ng $200,000 o higit 10 million pesos sa loob lamang ng ilang buwan nang sinimulan niya ito.


Sinimulan ni Matto ang kanyang pagbebenta ng utot noong 2021 matapos makita na madami ang bumibili nito sa isang di kaaya-ayang website. Ipinagbili niya ang kanyang mga utot sa loob ng isang garapon, at kumikita ng $1,000 o 50,000 pesos bawat garapon. 

Dumating sa punto na tumaas ang demand nito at kinailangan ni Matto na gumawa ng singkwentang (50) fart jars sa loob ng isang linggo. Kaya sinubukan niyang idiskubre kung paano umutot ng maramiha. Nadiskubre naman niya na nakakatulong ang protein shakes para makautot siya ng marami.


Sa kasamaang palad, naging dahilan ito para magkaroon siya ng hindi inaasahang pagsasakit sa kanyang tiyan at nahirapan na din sa paghinga. Kaya naman ay dinala siya sa ospital at doon ay pinayuhan siya ng mga doktor na ibahin na ang kanyang diet  dahil nakakaapekto ito sa kanyang kalusugan.

Kahit man nahaharap sa mga negatibong komento ay hinahangaan naman si Matto ng kanyang mga tagahanga dahil sa pagsubok ng kakaibang paraan para kumita ng pera sa sariling paraan. —Tacloban News Update/Viral
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post