Dalagita sa Sta. Fe, Leyte, nagbigti dahil hindi binati ng nobyo sa kanilang monthsary

Dalagita sa Sta. Fe, Leyte, nagbigti dahil hindi binati ng nobyo sa kanilang monthsary

Isang 17-anyos dalagita sa Sta. Fe, Leyte ang tinapos ang sariling buhay pagkatapos na hindi ito battin ng kanyang boyfriend sa kanilang monthsary. Photo for representation only.

TACLOBAN CITY – Tinapos ng isang 17-anyos na dalagita sa Sta. Fe, Leyte ang kanyang sariling buhay pagkatapos na hindi ito batiin ng kanyang nobyo sa kanilang monthsary.

Nakita umano na nakabitin at wala nang buhay ang dalagita sa loob ng kanilang bahay kahapon, Hunyo 12, 2022, ayon sa ulat ng RMN Tacloban.

Sa impormasyon naman na nakuha ng lokal na pahayagan sa PNP Santa Fe, ang kanyang 7-anyos na kapatid ang nakakita umano sa katawan ng biktima sa loob ng kanilang kwarto.

DALAGITA NAGBIGTI DAHIL HINDI BINATI NG NOBYO SA KANILANG MONTHSARY NEWS – Tinapos ng isang 17-anyos na dalagita sa...

Posted by iTacloban - PH on Sunday, June 12, 2022

Dagdag pa sa imbestigasyon ng kapulisan, ay nalaman na bago ang insidente ay nagkwento pa ang biktima sa kanyang tita na hindi siya binati ng kanyang nobyo sa araw ng kanilang monthsary.

Ito naman ang nakikitang dahilan ng nanay ng biktima at naniniwala na dahil sa away nilang mag-kasintahan ay nagawa ng biktima na magpakamatay.

Nadala pa ang katawan ng biktima sa Schistosomiasis Hospital pero dineklara itong dead on arrival. 


Para sa mga dumaranas ng labis na pagkalungkot at depresyon, maaring tumawag sa mga sumusunod na hotline numbers:

I. National Center for Mental Health
1553 (Luzon-wide landline toll-free)
Globe/TM: 0917-899-8727 (USAP); 0966-351-4518
SMART/SUN/TNT: 0908-639-2672

II. In Touch Philippines

Call Crisis Line any time
+63 2 893 7603 (Landline)
+63 917 800 1123 (Globe)
+63 922 893 8944 (Sun)

III. Philippine Red Cross

24/7 Suicide Prevention Hotline, toll-free HOPELINE 2919 (for Globe & TM Subscribers)
091 7558 4673 or 8044673

IV. Manila Lifeline Centre

Contact by: Phone
Hotline: (02) 8969191
Hotline: Mobile phone: 0917 854 9191

–iTacloban
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post