Lalaki iniwan ang asawa dahil instant noodles lang palagi ang pinapakain sa kanya

Lalaki iniwan ang asawa dahil instant noodles lang palagi ang pinapakain sa kanya

Ayon sa judge, iniwan ng lalaki ang kanyang asawa at nagfile ng 'divorce' dahil hindi ito marunong magluto maliban nalang sa instant noodles na pinapakain sa kanya araw-araw. 

Sa India, iniwan ng isang lalaki ang kanyang asawa dahil  'instant noodles' lang umano ang alam na lutuin nito at pinapakain sa kanya araw-araw.

Ito ang inilahad ng dating Principal District Judge ng Ballari na si ML Raghunath sa isang pahayagan. Dagdag niya na walang ibang alam lutuin ang asawa ng naturang lalaki, maliban sa instant noodles, kaya na-dismaya ito. 

Sa kalaunan ay naghiwalay ang mag-asawa sa pamamagitan ng 'mutual consent.' Tinawag naman ang naturang kaso na "Maggi Case."


Karamihan sa mga korte sa India ay nakakatanggap ng mga kakaibang kaso ng divorce dahil sa mga hindi pangkaraniwang dahilan, tulad ng hindi tamang paglalagay ng asin sa plato, pagsusuot ng maling kulay ng damit sa kasal at ang hindi pakikipagdate sa asawa.

Ang ilan sa mga kaso ay nangyari kaagad pagkatapos ng seremonya ng kasal.


"Ang mga kaso ng diborsyo ay tumataas nang husto sa paglipas ng mga taon," sabi ni Mr Raghunath.

"Dapat sa mga mag-asawa ay kailangang umabot muna sa isang taon bago humingi ng divorce. Kung walang ganoong batas, magkakaroon ng mga petisyon sa diborsyo na direktang ihahain sa simbahan."

Ayon pa kay Raghunath, gumagamit ang korte ng mga sentimyento upang muling pagsamahin ang mga mag-asawa, katulad ang pagsabihan sila kung ano ang mangyayari sa kinabukasan ng kanilang anak.


Idinagdag ni Raghunath na ang mga kaso ng divorce sa bansang India ay higit na nangyayari sa lungsod kaysa sa mga rural na lugar dahil ang mga kababaihan sa lungsod ay may pinag-aralan at independyente sa pananalapi. —iTacloban
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post